Hang tight while we fetch the video data and transcripts. This only takes a moment.
Connecting to YouTube player…
Fetching transcript data…
We’ll display the transcript, summary, and all view options as soon as everything loads.
Next steps
Loading transcript tools…
05.2 - Rizal Exile, Trial, and Death (Part 2) | Life and Works of Rizal | Over the Academic Wall | YouTubeToText
YouTube Transcript: 05.2 - Rizal Exile, Trial, and Death (Part 2) | Life and Works of Rizal
Skip watching entire videos - get the full transcript, search for keywords, and copy with one click.
Share:
Video Transcript
Video Summary
Summary
Core Theme
This content explores the complex and often debated views of Jose Rizal on revolution, his final moments leading up to his execution, and the enduring legacy and interpretation of his life and writings.
Mind Map
Click to expand
Click to explore the full interactive mind map • Zoom, pan, and navigate
O, para hindi ka mahirapan mag-pause.
Ah, yes. Ang Rizal Manifesto.
Ayon sa essay ni Renato Constantino na "Veneration Without Understanding,"
ito'y isang ebidensya para masabi natin na ayaw ni Rizal sa konsepto ng rebolusyon.
And honestly, 'pag binasa mo siya,
mage-gets mo rin kung bakit naging ganito 'yung kaniyang opinyon.
Sa manifesto kasi, sinabi ni Rizal…
"From the very beginning... I opposed it,
I fought against it, and I made clear that it was absolutely impossible."
Makikita din natin 'yung strong disapproval ng bayani through his chosen words.
Ginamit niya ang mga salitang "absurd," "disastrous," and "criminal"
para i-describe ang nangyayaring himagsikan.
Maaaring i-suggest ng mga salita na ito na baka tinignan ng bayani ang paghihimagsik
hindi lamang bilang isang biro,
ngunit bilang isang mapanganib at maling landas.
Dahil tuloy dito, marami ang nag-a-assume na ayaw ni Rizal
na kailanman lumaya ang Pilipinas.
Pero ayon kay Ambeth Ocampo,
Kung babasahin natin 'yung manifesto ni Rizal sa kabuuan nito,
makikita natin na ninanais niyang lumaya ang Pilipinas.
Pero kinakailangan ay mayroon munang paghahanda bago ito gawin.
"'I have given many proofs that I desire liberties for our country;
I continue to desire them.
But I laid down as a prerequisite the education of the people so that,
by means of such instruction and hard work,
they may acquire a personality of their own and so become worthy of such liberties.'
If pabor pala,
then bakit kailangan niya pang sabihin ito sa manifesto?
Bakit ganiyan 'yung mga pag-wo-wording ng bayani?
Honestly,
hindi ko alam at napapagod na rin ako mag-isip at mag-sulat
at napakarami ko pang pending na activities kaya ibato na lang natin doon sa may PhD.
December 29.
Alas sais ng umaga.
Binasa ni Captain Rafael Dominguez kay Rizal ang sintensya nito.
Na bukas daw, alas-7 ng umaga, sa Bagumbayan,
babarilin si Rizal ng isang firing squad.
Noong araw din na 'yun, nakatanggap si Rizal ng bisita mula sa kaniyang ina,
na si Teodora,
at kapatid na babae, na si Trinidad.
Kasama rin nila ang iba niyang kapatid,
pero hindi na sila pinayagan pang pumasok sa loob.
Nakakabiyak ng puso ang naging sunod na eksena sa loob ng kulungan ni Rizal.
Hindi na kasi natago ng mag-ina ang kanilang naramdaman.
Nag-iyakan ang dalawa at lumuhod ang bayani sa harap ni Teodora
habang nanghihingi ng kapatawaran.
Syempre, mga nonchalant at nanatiling manhid 'yung mga gwardyang Kastila
sa kanilang nasasaksihan.
Hindi nila hinahayaang maglapit sa isa't isa ang mag-ina,
kaya't kahit huling yakap man lang ay hindi nila nagawa.
Pagkatapos ng ilang saglit,
sinundo na ni Trinidad si Donya Teodora sa selda.
Dito, binigyan siya ni Rizal ng isang alcohol stove at bumulong.
"There's something inside."
Wikang Ingles, para hindi maintindihan ng mga gwardiyang nakapaligid.
Sa loob ng stove ay mayroong isang tula.
Walang nakasulat na pamagat at wala ring nakasulat na petsa.
Kalaunan, ang tulang ito ay binigyan ng pangalan.
Ito ay kilala na natin bilang "Mi Ultimo Adios," o "Huling Paalam.
Kahit malapit ng malagutan ng hininga,
Rizal still had the sound mind to write.
Which is, for me,
is really surprising.
Kasi dati,
kinagat ako ng isang pusa.
And at that time, akala ko talaga e katapusan ko na.
So it shocks me na hindi niya na-embody si Sisa noong last days niya
kasi nung kinagat ako ng pusa, I became anxious for two months.
In my defense, nakita ko kung paano namatay 'yung pusang kumagat sa'kin.
And, it was... it was really morbid. Jesus Christ.
Anyway. Sa pagkakataong ito,
ating basahin ang kaniyang mga huling liham
sa kaniyang mga minamahal sa buhay.
At simulan natin sa liham ni Rizal sa kaniyang pinakamalapit na kaibigan,
si Ferdinand Blumentritt.
Kinabukasan ng umaga,
kahit ilang oras na lang mananatili sa mundo,
nagsulat pa rin si Rizal.
At isa sa kaniyang mga sinulat na liham ay para sa kaniyang kuya na si Paciano.
Sa isang liham din,
ipinarating ni Rizal sa kaniyang pamilya ang kaniyang will
o mga kahilingan para sa kung ano ang dapat mangyari
pagkatapos ng kaniyang kamatayan.
December 30. Malapit nang mag-alas syete.
Si Rizal, na nakasuot ng itim,
ay kailangan na maglakad papunta sa Bagumbayan.
Kasama niya sa paglalakad ang kaniyang abogado at dalawang pari,
gayundin ang mga sundalo at militar.
Habang naglalakad, may mga pamilyar na lugar na natanaw si Rizal.
Nakita niya ang mga bundok ng Cavite at ang Corrigidor.
Sabi niya sa isang pari, "Ang ganda-ganda ngayon, Padre."
"Sa mga ganitong umaga, namamasyal ako kasama ang aking kasintahan."
Pagdaan naman nila sa Ateneo,
nakita ni Rizal na ang mga tore nito ay nakasilip sa mga pader.
Natanong niya, "Ayan po ba ang Ateneo?"
"Dyaan ko ginugol ang masasaya kong mga taon."
Maraming tao ang nakapila para masaksihan kung ano ba ang mangyayari.
Ang ilan sa kanila ay naaawa kay Rizal.
Ang iba naman, lalo na ang mga Kastila,
e naiinip na at gusto na siya makitang mamatay.
May mga ilan din na iniisip na dadating ang kaniyang pamilya
o kaya may mga katipunero na ililigtas siya sa pagkakabitag.
Ah. Nandito na si Rizal.
Walong sundalo ang bumuo ng firing squad ni Pepe,
at lahat sila ay, surprisingly, Filipino.
Sa likuran nila,
nakatayo naman ang isang hanay ng Spanish troops na may hawak na mga rifle.
Nakahanda para patayin ang sinumang sundalong Filipino na mag-alangan
o makaligtaan ang kanilang mga marka.
Question.
Ang ibig bang sabihin nito e Filipino din ang pumatay kay Rizal?
Well, technically,
it is true na mga Filipino 'yung nag-pull ng trigger,
pero remember, Spanish colonial government pa rin 'yung nag-utos
na i-execute si Rizal.
So tigil mo na 'yan.
Anyway, alam na ni Rizal na it's basically the end, mamamatay na siya.
Kaya't bago pa mahuli ang lahat, Rizal made his final requests.
Hiniling niyang patayin siya nang walang takip sa mata
at kung sakali e kaharap niya 'yung mga babaril.
Pumayag 'yung commander ng firing squad na huwag na siyang piringan,
pero hinindian niya 'yung request na paharap 'yung pagbaril.
So ang ginawa ni Rizal,
ni-request na lang niya na huwag na sa ulo padaanin 'yung bala,
kung hindi sa likod na lang, sakto sa bandang puso.
Doon, pumayag na ang kapitan.
Nang magkasundo na 'yung dalawa,
pinasalamatan na ni Rizal ang kaniyang abugado
dahil sa pagsusumikap nito na ipagtanggol siya.
Nanatiling kalmado si Rizal.
In fact, sinuri ng isang Spanish military doctor ang kaniyang pulso
at nagulat siya ng malamang normal ito.
Ayon pa nga sa ilang mga nanonood
e nangiti pa raw at natawa itong si Pepe.
Which is again, really weird.
Like, when I was anxious, I can't stop thinking about stuff.
Like alam mo ba na may dalawang forms of rabies,
kailangan pa natin ng mas maraming researches tungkol sa disease na ito sa Pilipinas,
at hindi very friendly ang mga animal bite centers kapag…
Anyway. Ang huling lumapit kay Rizal ay ang mga Heswita.
Nagtaas sila ng crucifix o krus sa harap ng mukha at labi ni Rizal.
Pero ang ginawa ng bayani,
imbis na halikan ang krus e tumalikod ito
at naghanda para harapin ang kaniyang kamatayan.
Itinaas ng kapitan ang kaniyang espada,
inutusan ang kaniyang mga tauhan na maghanda,
at sinigaw ang mga sumusunod na salita:
"Preparen!" "Apunten!" "Fuego!"
Hindi tinupad ng kapitan ang kaniyang salita.
Nang bumagsak si Rizal sa lupa,
may isang lalaki na lumapit sa katawan niya
at binigyan siya ng isang "tiro de gracia" o mercy shot sa ulo.
Time Check. 7:03 a.m.
Patay na si Rizal.
Sigaw ng mga Kastila - "Long live Spain! Death to the traitors!"
Speaking of mga pangakong hindi natupad,
hindi rin nasunod ang mga tagubilin ng bayani sa mga dapat gawin pagkatapos siyang
pagkatapos siyang patayin.
Hindi ibinalik ang kaniyang katawan sa kaniyang pamilya
at hindi rin siya binigyan ng proper burial ng mga Kastila.
Ang ginawa lang sa kaniyang katawan e inilibing sa isang unmarked territory.
Nang maglaon at nahanap ang kaniyang bangkay,
nilagay naman siya sa isang ivory urn.
Noong 1912, iniligay naman ito sa base ng kaniyang sariling monumento.
Taliwas sa gusto niyang simpleng libing.
Sabi niya rin ay ayaw niya ng mga anibersaryo,
pero taon-taon ay pinaparangalan siya ng mga tao.
Kahilingan na kaawaan ng pamilya ni Rizal si Josephine?
Ayoko na lang magsalita.
Ayon sa podcast na Rizal on Air,
wala ng magagawa ang bayani kung hindi natupad ang kaniyang mga kahilingan
dahil patay na siya.
Sa huli, ang mga tao ang nagdesisyon kung ano ba ang pinandigan ni Rizal.
Pagkatapos ng kaniyang kamatayan,
binigay ni Josephine Bracken ang huling tula na isinulat ng bayani kay Andres Bonifacio.
Ginawa niya ito para maisalin ang tula sa Tagalog
at maipamigay sa mga rebolusyonaryo.
Ayon sa historyador na si Xiao Chua,
totoong ambivalent o nag-aalangan itong si Rizal pagdating sa himagsikan.
Pero sa pamamagitan ng kaniyang huling tula,
kung saan pinuri niya ang mga rebolusyonaryo sa larangan ng labanan
at kanilang hindi pag-aalintana na mamatay para sa kahilingan ng kanilang bayan,
masasabi natin na sa huli ay sumang-ayon na rin siya rito.
Sa pag-aaral natin sa buhay ni Rizal,
mapagtatanto natin na hindi lang ito tungkol sa kaniyang mga karanasan.
Sumasalamin din ito sa atin at sa ating sariling paniniwala.
Ika nga nila, kaniya�-kaniyang Rizal.
Tungkol din ito sa perspektibo natin sa kaniya,
at kung ano ba ang Rizal na gusto nating makita.
At habang patuloy nating binibisita at tinatalakay ang kaniyang buhay,
mahalagang matiyak nating hindi na siya makakaranas ng panibagong kamatayan.
Dito na nagtatapos ang Chapter 5 at ang talakayan tungkol sa buhay ni Rizal.
Nawa'y may natutunan ka,
at sa susunod na mga videos ay pag-uusapan naman natin ang kaniyang mga inilimbag.
'Yun lang at maraming salamat sa panonood!
Click on any text or timestamp to jump to that moment in the video
Share:
Most transcripts ready in under 5 seconds
One-Click Copy125+ LanguagesSearch ContentJump to Timestamps
Paste YouTube URL
Enter any YouTube video link to get the full transcript
Transcript Extraction Form
Most transcripts ready in under 5 seconds
Get Our Chrome Extension
Get transcripts instantly without leaving YouTube. Install our Chrome extension for one-click access to any video's transcript directly on the watch page.