At marami pang iba na hindi na natin i-introhan kasi masama ugali natin.
Anyway, kasama ang mga patriots na ito,
e naitatag ni Rizal ang La Liga Filipina,
which means "The Filipino League."
Mayroong five purposes or layunin ang Liga,
at makikita natin ito sa kaniyang konstitusyon.
Una na diyan...
Unity!
Na mapag-isa ang buong archipelago sa isang buo,
magkakauri at masigla na katawan.
Pangalawa, mutual protection.
Na mabigyan ng proteksyon ang bawat isa sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa.
Pangatlo, defense.
Na mapagtanggol ka laban sa karahasan at kawalang-katarungan.
Pang-apat, development.
Na mapaunlad ang educational, industrial, at agricultural enterprises.
At pang-lima,
the study of reforms and their implementation.
O mapag-aralan at mapairal ang mga pagbabago.
May motto rin ang La Liga Filipina sa Latin.
Ito ay "Unus Instar Omnium" o "Bawat isa'y katulad ng lahat."
Kung isa kang Filipino na naninirahan noong 19th century
e baka wala kang makitang mali sa saligang batas ng Liga.
It doesn't really contain any seditious language
and mukhang maganda ang adhikain nito para sa iyong bansa.
Pero kung isa kang Espanyol e, likely, red flag sa'yo ang organisasyon.
The fact kasi na 1) karamihan sa mga miyembro nito e mga mason,
at 2) isa itong secret organization,
e enough na para maging kahina-hinala itong Liga sa mata ng Spanish government.
Dagdag mo pa na kakalabas lang nung El Filibusterismo,
at alam naman natin kung gaano ka-controversial nung nobelang 'yun.
So kung isa kang Spaniard, lalo na kung kabilang ka sa gobyerno,
e magiging curious ka talaga kung ano ba
'yung final goal nitong itinatag nila Rizal.
Kung isa ka namang historyador,
baka ganun din 'yung maramdaman mo.
And in this part, pag-uusapan natin
ang two different views on how La Liga was seen.
One that sees it as a reformist organization,
and one that sees it as a separatist or for-independence organization.
Doon muna tayo sa "reform" lang ang goal.
Ayon sa mga early historians,
hindi naman pabor si Rizal na paghiwalayin ang Pilipinas at ang Spain,
bilang reporma lang naman ang adhikain nitong Propaganda Movement.
Kagaya lang din nung nasimulan na sa Europa.
Wala masyadong pagkakaiba sa assimilationist ideas
ng Kilusang Propaganda.
Ang pinagkaiba lang siguro e sa Pilipinas na ito gagawin.
Na hindi na lang mga mayayamang Ilustrado ang kasapi ng kilusan,
kung hindi kasama na rin ang mas marami pang Filipino.
Na-realize daw kasi nitong si Pepe
na humigit-kumulang isang dekada ng ginagawa ang pag-call ng reporma sa Spain.
And while it is true na ang kilusan e mas malapit sa pamahalaan ng Espanya,
sa Cortes, at sa mga valuable allies,
e wala naman daw nangyayari.
Kaya siguro ang pinakamagandang gawin
e baguhin na ang strategy at ilapit na 'yung gamot sa may sakit.
Kung titignan din natin ang konstitusyon ng Liga,
e mukhang very harmless or wholesome ang adhikain nito.
Na katulad lang ito ng isang NGO ngayon,
na tumutulong sa mga Filipino na tulungan ang kanilang sarili,
mapabuti ang kanilang buhay, at mag-ambag sa pag-unlad ng bansa.
However, this is just one perspective.
Doon naman tayo sa kabilang side,
na nag-aargue na ang Liga was a separatist organization.
And kailangan natin itong pag-usapan kasi…
nasabi ko na dati na for independence itong si Pepe
so kailangan na natin siyang panindigan.
Anyway, last video, nabanggit natin na kaya umalis si Rizal ng Madrid at La Solidaridad
e dahil sa rivalry niya with Del Pilar.
Sabi ng ibang historians, as we just mentioned,
hindi lang ito ang rason.
Rizal left because he was driven by the desire
to continue his reformist efforts in the Philippines.
However, ayon sa writer na si Floro Quibuyen,
Rizal's departure was a manifestation of his radical shift to separatism
and his disillusionment with Spain.
Anong patunay niya sa claim na ito?
Ayon sa kanyang aklat na "A Nation Aborted,"
makikita natin ito sa unang punto ng konstitusyon ng Liga.
Ano ulit 'yun?
Unity.
Na mapag-isa ang buong archipelago sa isang sa isang buo,
magkakauri at masigla na katawan.
Anong katawan?
Organization ba ulit?
Hindi. Bansa.
In other words,
the La Liga Filipina was not intended to be a stepping stone to another organization;
its ultimate goal was to establish an independent Philippine nation.
Sa constitution din ng Liga,
it stated that it would provide mutual protection
and serve as a defense against violence and injustice.
Gusto niya rin ma-develop ang mga sectors ng education, agriculture, and commerce.
And when you think about it,
hindi ba lahat ng ito e hindi na responsibilities
ng isang simpleng organisasyon,
kung hindi ng isang estado.
Pwede mo i-argue na malinaw na reporma lang ang advocacy ng Liga
dahil tingnan mo naman,
nakasulat na talaga yung word na "reform" sa konstitusyon.
Pero ayon kay Quibuyen,
e nami-misunderstood daw natin ang ibig sabihin
ng terminong "reformas" in this context.
Ang termino raw na ito, sa konteksto ng Liga,
Para suportahan ang kaniyang argument,
qinuote ni Quibuyen ‘yung essay na sinulat ni Rizal.
'Yung "Philippines: A Cultural Hence."
Doon, sinabi ng bayani na ang mga actions na pansamantala lamang,
ay kailanman hindi magiging sapat para magkaroon ng pagbabago.
Mahalagang isaisip din natin
kung ano ba ang nasa isip nitong si Rizal noong panahon na ito.
And we could further see his detachment from the assimilationist cause
sa mga letters niya kay Blumentritt:
We'll end this part with this quote from the historian Xiao Chua. Sabi niya:
Kung ano ba talaga ang final goal nitong Liga
will probably continue to be a debate among historians.
Pabayaan na muna natin sila.
Pero one thing is clear, and I'm sure historians will agree with me this time:
short-lived lang ang organisasyon.
Noong July 6 kasi, tatlong araw after formally na talagang ma-establish ang Liga,
e pinatawag si Rizal sa Malacañang at inaresto.
Surprisingly, hindi ang itinayo nilang organisasyon ang rason,
kung hindi sa isang bagay na nakita ng mga Kastila
ilang araw na ang nakalipas.
Rewind muna tayo.
Finally, nakauwi na si Jose Rizal
kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia sa Pilipinas.
Kaso habang nasa pantalan,
e nilapitan sila ng ilang carabiniers, o mga spanish police officers,
at isang major.
Tama ang mga hinuha ng kaibigan at kamag-anak ni Rizal.
Ang pagbabalik ng bayani ay isang trap.
Kinuha ng mga officers ang bagahe ng magkapatid
at hinalughog, hinalungkat, at hinalukay ang mga laman nito sa customs house.
After itong inspeksyonin, pinahintulutan na ‘yung dalawa na umalis ng walang problema.
Kaso may nakita raw itong mga naghalungkat ng isang pakete ng mga "seditious paper
sa pillowcase o punda ng unan ni Lucia.
This was immediately confiscated
and brought to the attention of the Governor General,
na noong time na ito e si Despujol.
Anong content ba yung nasa seditious paper?
Well, it was reportedly a satire targeting wealthy Dominican friars.
Ok, fast forward na.
Tinanong si Rizal,
"Sino ang may-ari nitong pillows at mats na ito?"
Sagot ni Pepe,
"Well, pag-aari 'yan ng kapatid kong babae."
Then, tinanggi niya na siya o ang kaniyang ate ang may ari nung leaflets.
Pero kahit anong tanggi niya sa mga paratang nila e wa-effect.
Inaresto pa rin siya at in-escort papuntang Fort Santiago.
Ayon sa Governor General,
isa lang ito sa mga rason kung bakit nila inaresto at ipapatapon si Rizal.
And makikita natin ito the next day after siyang arestuhin,
since lahat ng dyaryo sa Maynila e pinublish ang super haba
at nakaka-intrigang gubernatorial decree nitong si Despujol.
Anu-ano ang mga charges sa bayani?
Penge akong medyo dark na classical na music.
Kung titignan natin closely yung mga charges kay Rizal e may mapapansin tayo.
Anti-Catholic, Anti-Friar, The Poor Friars, Religious Orders, Catholic faith.
Puro ito religious charges, habang isa lang yung political.
And it is just worth noting that during this time,
dahil sobrang dikit ang clergy at ang state,
ang insulto sa institusyon ng simbahan e isang napakalaking kasalanan.
Ngayong pinatapon na si Rizal,
the La Liga Filipina became inactive and began to fall apart.
Mula 1892 hanggang 1896, Rizal lived in exile in Dapitan.
Ang Dapitan, noong time na ito, ay isang liblib na bayan sa Mindanao
at under ng jurisdiction ng mga Jesuit missionaries or Heswita.
Bakit Dapitan?
Una, malayo.
During this time, e mabigat na parusa ang pagpapatapon sa malalayong lugar.
And Dapitan fits this description, since it’s very inaccessible.
Pangalawa, under ito ng mga Heswita.
And isa sa mga goal kaya ipinatapon ang bayani
e para magbalik-loob siya sa kanyang Catholic faith.
Kung titignan natin, parang hindi naman ito punishment.
Oo papatapon ka, pero dadalhin ka naman sa isang isla.
Baka mag-thank you ka pa kay Despujol after sabihin sa'yo ang parusa mo.
Makakapag-soul search ka, wellness retreat,
ayos sa mental health, at araw-araw meron kang My Day.
Pero need natin i-consider yung context nito.
While the island may sound like a paradise,
it was remote and unfamiliar,
far from the civilization Rizal was accustomed to.
Ilagay mo yung sarili mo kay Rizal.
Nasanay ka na mag-travel palagi sa iba't ibang bansa
at kumausap ng iba't ibang tao,
then biglaan, dadalhin ka sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan
at wala kang kilala.
Hindi ba nakaka-devastate?
Buti na lang at may nakita si Rizal na silver lining.
True, dine-ny ng mga Spanish authorities ang kanyang mga political rights,
pero hindi naman nila totally cinontrol ang lahat ng pwedeng gawin ng bayani.
In fact, Spanish authorities allowed Rizal to move within the area
and participate in civic activities.
Ang goal naman kasi e hindi ikulong si Pepe,
kung hindi para ma-"tame" or mapa-amo,
ma-soften o ma-suppress ang kanyang political voice.
In this way, he would be less likely to entertain ideas of "subversion."
So, imbis na mawalan ng pag-asa sa buhay,
Rizal transformed his exile into a period of meaningful contribution,
dedicating himself to the welfare of Dapitan.
Ano-ano ba ‘yung mga magagandang pinaggagawa niya?
Well, napakarami at baka murahin mo pa ko kung iisa-isahin ko ‘yan.
So in this part, magfo-focus lang tayo sa tatlo sa maraming propesyon
na pinractice niya noong siya ay pinatapon.
Him being a farmer, a teacher, and a physician.
Pero bago natin ito pag-usapan,
kailangan muna natin talakayin ang kanyang pagkahumaling sa lotto.
Hindi mo naitatanong, e adik itong si Rizal sa lottery.
Well, baka masyadong exaggeration ‘yung adik,
sabihin na lang natin na “super hilig.”
True, hindi siya umiinom ng alak or nagyoyosi,
pero pagdating sa pagtataya e ibang usapan na.
Sabi nga ng kanyang Spanish biographer at former enemy na si Wenceslao Retana,
ang lottery daw ang "only vice" ni Rizal.
Ok. So, ilang buwan pagkatapos ipatapon si Pepe,
e bumili siya at ang dalawa niyang kasama doon ng isang lottery ticket.
Then, sa ticket na 'yun, e sinuwerte sila at nanalo ng second prize.
Magkano ang premyo?
P20,000.
Na noong panahon na ito na e sobrang laki na.
Pinaghati-hatian nila ang napanalunan, at nakakuha si Rizal ng P6,200.
Malaki pa rin.
In fact, kung i-a-adjust natin ito sa inflation,
nagkakahalaga ito ng...
P3,000,000!
OH MY GOD!
DAMN!
Ilang 16-inch M3 Max Space Black Macbook Pro ‘din ‘yun.
Pwede na kong magtayo ng sarili kong business sa ganung pera.
I can actually enjoy life.
Thank God, financially literate itong si Rizal.
He could have spent it mindlessly pero hindi niya ’yun ginawa.
Sa nakuha niyang share,
pinambili niya ang P4,000 dito ng mga agricultural lands sa coast ng Talisay.
Ang Talisay ay isang barrio na malapit lang sa Dapitan.
Sa mga naipundar niyang lupa, nagtayo siya ng bahay,
farm, eskwelahan, at clinic.
And through these endeavors,
he seamlessly embraced the roles of a farmer, a teacher, and a physician.
Ayos ba 'yung transition na 'yun?
Magsimula tayo sa pagiging farmer ng bayani.
Bilang kabilang si Rizal sa pamilya ng mga Inquilino,
e na-instill sa kaniya ang pagkakaroon ng strong at deep connection sa pagsasaka.
Noong siya ay pinatapon,
napagpatuloy niya ang nasimulan ng kaniyang angkan
dahil sa lugar na 'yun e nakabili siya ng farmland.
Sa farm ni Rizal e nagsimula siyang magtanim ng palay at mais.
Niyaya niya rin ang kaniyang bayaw na si Manuel Hidalgo
para mag-partner sa pagbebenta ng abaca - a profitable crop in Manila.
Habang nasa Dapitan, na-observe ni Rizal na ang mga lokal doon
possessed limited knowledge in the fields of agriculure and fishing.
Their agricultural practices remained rooted in primitive techniques,
at kahit na malapit lang sa karagatan,
hindi naman sila marunong gumamit ng lambat.
Recognizing the need for agricultural advancements,
Rizal actively encouraged the Dapitan farmers to adopt modern farming practices.
He advocated for the use of fertilizers, crop rotation,
and farm machinery to enhance productivity and yield.
Para ma-improve naman ang fishing techniques ng mga lokal ng Dapitan,
ni-request ni Rizal sa kaniyang bayaw na magpadala sa kanila
ng mga malalaking lambat.
At sorry ka, si Rizal mismo ang nagturo sa mga lokal
kung paano gamitin 'yung mga fish nets na 'yun.
Pinangarap din ng bayani na magkaroon ng agricultural colony sa sitio ng Ponot,
kaso nga lang, tulad ng kaniyang North Borneo Plan, hindi ito naisakatuparan.
Nonetheless, Rizal, in a way, became a successful farmer in Dapitan.
Ayon nga sa historian at biographer na si Greogorio Zaide,
Makikita natin sa ating discussion
na mataas ang respeto ni Rizal sa propesyon ng pagsasaka.
He actively engaged in agricultural practices,
hindi lang para sa kaniyang sarili
kung hindi para na rin ma-uplift ang buhay ng mga lokal doon.
Ayon sa writer na si Herminia M. Anchenta
sa kaniyang piece na "Rizal as an Agriculturist,"
Rizal believed that farming was a noble pursuit,
akin to the medical profession, as he eloquently stated,
Taliwas sa paghanga ni Rizal,
ang modernong lipunan ay madalas na may negatibong pananaw
sa napakahalagang hanapbuhay na ito.
Despite being the backbone of our nation,
e napakaramaraming hamon ang kinakaharap ng mga magsasaka ngayon,
kabilang ang pagsasamantala ng mga oportunista at mapang-aping sistema,
gayundin ang panghuhusga ng madla bilang isang propesyong walang kahahantungan.
Perhaps it is time to embrace Rizal's enlightened perspective
and acknowledge the immense value of farmers.
Their hard work and dedication ensure our food security
and contribute significantly to the nation's economic prosperity.
We must cultivate respect for these unsung heroes
and advocate for policies that empower them to achieve success.
Ayon nga sa isang article na isinulat ni Eileen Villegas,
isang agriculture graduate ng UP Los Baños,
tungkol sa stereotypical depiction ng mga Filipino farmers,
Doon naman tayo sa kaniyang propesyon bilang guro.
Rizal's vision of a modern and progressive education materialized during his exile.
Sa Talisay kasi, nagtatag si Rizal ng isang paaralan para sa mga batang lalaki.
Doon, in-emphasized ni Rizal ang mga educational concepts
na school-based management at community-based education,
which is malayong malayo sa mga traditional curriculum
na pina-practice noong 19th century.
Sa paaralan, tinuruan ni Rizal ang kaniyang mga estudyante
sa mga subjects na Spanish, English, mathematics,
geography, geometry, proper conduct, at physical education
na kabilang ang gymnastics, fencing, at swimming.
Libre lang din ang pag-aaral sa school ni Rizal.
Well, technically hindi talaga libre since bilang kapalit sa tuition
e inaasahang mag-work ang mga mag-aaral sa agricultural land ng bayani.
Tunog child labor...
pero huwag ka mag-alala, 'yung land naman na 'yun e part ng community project.
Since agriculturist itong si Pepe,
e ninais niya na magkaroon ng deeper appreciation
'yung ibang tao pagdating sa kalikasan.
Para mangyari 'yun, e sinama ng bayani ang nature study,
o ang pag-aaral ng kalikasan, sa kurikulum ng kaniyang paaralan.
Kasama ang kaniyang mga estudyante,
ginagalugad nila Rizal ang kagubatan at ang coasts ng Dapitan.
Nangongolekta sila ng iba't ibang flora at fauna,
tulad ng iba't ibang insekto, ibon, ahas,
butiki, palaka, kabibi, at iba't ibang halaman.
Ang mga nakolekta nila e ipinapadala ni Rizal
sa mga academic friends niya na nasa Europa.
Bilang kapalit naman sa mga specimen, pinapadalhan nila si Rizal ng mga libro.
Rizal also had a passion for conchology,
which is the study or collection of shells.
In fact, he amassed a large collection of shells,
including 346 specimens from 203 different species.
May mga na-discover din siyang bagong species ng mga hayop,
na isinunod sa kaniyang pangalan bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa agham.
Kabilang diyan ang isang flying dragon (na may scientific name na Draco rizali),
isang small beetle (na may scientific name na *Apogonia rizali), note: sorry tanga
at isang rare na palaka (na may scientific name naman na Rhacophorus rizali).
Kung o-obserbahan natin ang pamamaraan ng pagtuturo ni Rizal sa Talisay,
makikita natin na na-impluwensiyahan ito ng kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
Para mas effective kasi na ma-manage ni Rizal ang kaniyang klase,
hinahati niya ang mga estudyante sa dalawang grupo batay sa kanilang height.
Sa kabilang side, nandiyan ang "grandes" o ang mga malalaki.
Sa kabila naman, ang mga "pequeños" o maliliit.
Makikita natin na very similar lang sa Ateneo,
since sa paaraalan na 'yun e hinahati din ang mga estudyante.
Kung sino rin ang nangungunang mag-aaral sa paaralan ni Rizal,
e pinaparangalan ito ng titulo na "Emperador",
which echoes the practice at Ateneo,
where the top student was honored with the same title.
Kung matatandaan mo rin, e kumuha itong si Rizal ng surveying course sa Ateneo.
Sa Dapitan, masasabi natin na nagamit niya ang
ang kaniyang surveying skills to practical use.
Doon kasi, he devised and constructed a water system
that brought clean water to homes that had previously lacked access.
Tinuruan niya ang mga kalalakihan ng lokal kung paano gumawa ng aqueduct
gamit ang kawayan, bato, at mortar or concrete na gawa sa lime
na nakuha sa mga sinunog na seashells.
Bukod sa pagkakaroon ng source ng malinis na tubig,
ang pagtatayo din ng water system ay nag-drain sa mga swampy areas,
na naging rason para bumaba ang kaso ng sakit na malaria sa lugar.
Kasama rin ang kaniyang dating Ateneo professor na si Fr. Sanchez,
e nag-create si Rizal ng isang malaking relief map ng Mindanao.
This map served as a valuable educational tool,
allowing Rizal to explain the geographical context of Dapitan
and its relationship to other areas in Mindanao.
In fact, Rizal's students went on to become leaders in their own right,
embodying Rizal's belief in the power of education to transform lives
and communities.
Ayon nga sa historian na si Ambeth Ocampo,
Sa Dapitan, patuloy na ginamot ni Rizal ang mga may sakit.
At ang kahanga-kahanga dito, libre para sa mga taong sadlak sa kahirapan.
Kung hindi mo rin kaya na pumunta sa kaniyang klinik,
e hindi mo kailangang mag-alala, dahil nagbabahay-bahay din ang bayani.
This practice made healthcare in Dapitan more accessible to the sick and infirm.
Syempre, hindi naman tatanggi si Rizal
kung aabutan mo kahit papaano, need niya rin mabuhay.
Pero nakakahanap pa rin siya ng paraan
para ibahagi 'yung kaniyang kinikita para sa kaniyang komunidad.
Ayon sa kaniyang biographer at former enemy na si Wenceslao Retana,
Rizal's medical practice during his exile also led to a remarkable encounter.
Dahil kasi dito, e natagpuan niya ang kaniyang huling pag-ibig.
Ayon sa kwento, si Rizal ay nakilala
bilang isa sa pinakamagaling na ophtalmologist sa Pilipinas
Nang narinig ito ni George Tauffer, na may diperensya sa mata,
e nag-travel ito from Hong Kong papuntang Dapitan para magpagamot sa bayani.
Kasama ni Tauffer sa biyahe ang kaniyang adopted daughter na si Josephine Bracken.
Nang magkita daw si Josephine at Rizal...
Boom! Love at first sight.
Nagpatuloy ang pagkikita nang dalawa,
at pagkatapos lamang ng isang buwan nilang paglalandian,
ipinahayag nila ang kanilang pagnanais na pakasalan ang isa't isa.
Kaso nga lang, marami ang tututol sa kanilang relasyon.
Ang adoptive father nga ni Josephine na si George Tauffer
e nagtangkang magpakamatay nang malaman niyang magpapakasal ang dalawa.
Hindi rin pabor ang pamilya ni Rizal sa kanilang relasyon.
Siguro ang rason dito e very conservative ang pananaw nila pagdating sa pag-aasawa,
at napahiwatig daw ng bayani na nagli-live in na silang dalawa
kahit hindi sila kasal.
Makikita natin ang hindi pagsang-ayon ng pamilya ni Rizal sa kanilang relasyon
nang minsang tumira si Josephine sa kanilang tirahan.
Josephine wrote to her dear Joe,
Pero ano bang magagawa nila sa dalawang pusong naghaharutan.
Nagpatuloy pa rin ang pagmamahalan ng dalawa at
at nagbunga pa nga ito ng isang anak, na sadly, namatay.
Sa mga description natin sa bayani,
masasabi natin na parang naging okay lang ang buhay niya kahit na siya ay pinatapon.
True, naging malayo sa sibilsasyon at pamilya at nalumbay,
pero looking at the bright side,
meron pang mas worse o mas harsh na pwedeng mangyari.
At hindi 'yun nangyari.
Sabihin na lang natin na hindi nasayang
'yung apat na taon niyang pananatili sa Dapitan.
Nagkaroon ng sakahan,
nagturo sa isang maliit na paaralan,
nagtatag ng klinikang pangkalusugan,
nakahanap ng kaibigan,
at higit na makabuluhan,
nakabuo ng malapit na ugnayan sa mga lokal na naninirahan.
Na kahit tinanggalan ng kapangyarihan at karapatan,
hindi nagduling-dulingan at nakahanap ng mga paraan para mapaganda ang sanlibutan.
Makikita natin ang simpleng buhay ni Rizal
noong sinulatan niya ang kaniyang kaibigan na si Blumentritt.
In the letter, Jose Rizal painted a vivid picture of his idyllic life in Dapitan.
His words exude a sense of tranquility and contentment,
revealing a man at peace with his surroundings
and deeply immersed in the simple pleasures of life.
Penge akong nakakalmang music.
Tahimik na ang buhay ng bayani.
Malayo sa gulo.
Malayo sa gulo ng mundo.
Dito na nagtatapos ang ating video,
nawa'y may natutunan ka at sa susunod nating pagkikita ay…
So uhmmm…. mag-like ka at subscribe o share o kung ano man…
Huwag mo kalimutang mag-comment at mag-follow at uhhh… magdasal...
Potek sino ba 'yun!??!
Katipunan pala men.
Sorry sorry.
Hindi nga pala mamamatay si Rizal sa Dapitan.
Ok…
Kasabay ng pagpapatapon kay Rizal,
e siya namang pag-emerge ng isang rebolusyonaryong kilusan.
Paano ito nangyari?
After kasi arestuhin si Pepe, e nawala ang momentum ng Propaganda Movement.
And although may mga attempt
na i-reorganized ulit 'yung iniwan niyang La Liga Filipina,
at the end e nahati lang 'yung organisasyon sa dalawang grupo:
ang mga conservatives at ang mga radicals.
Ang mga conservatives ay nakilala bilang ang Cuerpo de Compromisarios.
Sa grupong ito, very peaceful lang ang approach ng mga miyembro.
Na mag-advocate ng reporma at suportahan ang newspaper na La Solidaridad.
Sa kabilang banda naman ay ang mga radicals.
Sa pamumuno ni Andres Bonifacio,
ang ina-advocate naman nila ay mga drastic solution kagaya ng rebolusyon.
Siguro naisip nila na wala nang pupuntahan ang pakikipag-usap sa mga Kastila
at kailangan na siguro ng mas extreme na actions.
Hence, the birth of Katipunan, o sa mahaba nitong pangalan,
ang Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Para ma-inform si Rizal na merong nage-exist na Katipunan
at may plano itong magsagawa ng rebolusyon,
pumunta si Dr. Pio Valenzuela at si Raymundo Mata sa Dapitan.
Itong si Raymundo Mata ay isang bulag,
at magpapanggap siya bilang isang pasyente na kunwari e magpapagamot sa bayani.
Alam ni Bonifacio kung gaano karami ang naglo-look forward kay Rizal,
kaya wini-wish niya na sana suportahan ni Pepe ang kanilang gagawin
since this will give their fight a major push.
Noong nagkita-kita na sila,
ininform na ni Valenzuela ang rason kung bakit sila napaparoon.
Kinwento niya kay Rizal 'yung mga plano ng Katipunan
at may plano rin sila na tulungan siyang makatakas.
Kaso, dinecline ni Rizal ang kanilang offer at sinabi niya na...
ang mga Filipino ay hindi pa handa sa isang rebolusyon.
Potek na 'yan!
Isa pang rason para maniwala ka na hindi pabor si Rizal sa independence
ay ang kaniyang meeting kay Valenzuela.
Sa meeting, binigyan si Rizal ng pagkakataon na sumali sa rebolusyon
at umalis sa Dapitan, pero hinindian niya ito.
Dahil tuloy dito e marami ang naniniwala na una, duwag si Rizal,
at pangalawa, ayaw niyang lumaya ang Pilipinas.
Sa manifesto ni Rizal, nabanggit niya ang pagkikita nila ni Valenzuela.
Doon, mababasa natin ang hindi niya pagpabor sa pinaplano nilang rebolusyon.
"Always been opposed to the rebellion."
****
Kung titignan natin, parang cino-confirm lang nito na assimilationist ang bayani,
and at this point, dapat nagawa na ko ng isang apology video
dahil sinabi ko nga sa'yo na for independence si Rizal.
Pero, pero, pero, pero, pero...
kung babasahin natin mabuti ang manifesto, makikita natin ang mga words na ito…
"patience" at "untimeliness."
Sure, hindi pabor si Rizal sa kasalukuyang plano ni Bonifacio,
but it doesn't mean na hindi siya pabor sa rebolusyon.
Naniniwala lang si Rizal na hindi pa tayo handa.
Ayon kay Zaide, "hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapangahas na balak ni Bonifacio…
(kasi) naniniwala siyang hindi pa lubusang handa ang kilusan
dahil… kailangan pa nila mangalap ng pondo at armas."
Isa pang way para suportahan ang argument natin,
na naniniwala si Rizal na kailangan munang magkaroon
ng kahandaan ang Pilipinas pagdating sa rebolusyon,
ay ang letter niya kay Blumentritt noong 1887.
Nakalagay dun...
At this point, baka may mga doubt ka sa isipan mo.
Baka masyado lang natin tinitignan 'yung mga statements or actions ng bayani.
And in a way, you're right.
Hindi na naman natin siya mai-interview kung ano ba talaga
ang ibig sabihin niya dito since hindi rin naman nagtagal ang kaniyang buhay.
Pero, kilala mo ba kung sino ang nabuhay ng matagal?
Freaking Pio Valenzuela!
And thank God meron siyang sinulat about sa kanilang interaction.
Sa memoir ni Valenzuela,
qinuote niya ang naging reaksyon ni Rizal pagkatapos sabihin ang plano ng Katipunan.
Sa pagkikita din ni Valenzuela at Rizal sa Dapitan,
pinag-usapan nila ang pag-ga-gain ng suporta sa mga elite ng Maynila
at ang pag-i-import ng mga ships at armas mula sa Japan.
Rizal also suggested that the Katipunan seek help from the Lunas
in order to build relationships with the elite.
Ininterview din ni Zaide si Valenzuela,
at sinabi nito na "Rizal was in favor of the revolution"
and that "Rizal believed that independence is won, not asked for."
Then that's it.
With Valenzuela's words, na-confirm natin na hindi assimilationist itong si Rizal.
Kaso nga lang,
meron pa rin mga doubts sa statement na binigay ni Valenzuela.
Noong September 1896 kasi, sa harap ng military court,
sinabi ni Valenzuela na hindi pabor si Rizal sa rebolusyon.
Then, dalawang dekada na ang nakalipas, ni-retract niya ang kaniyang claim
at sinabi na "Hindi, Hindi. Actually, hindi naman siya against the revolution.
Actually, inadvisan niya 'yung Katipunan na maghintay ng tamang panahon,
mag-secure muna ng mga armas, at humingi ng tulong sa mayayamang mga tao."
Critics of Valenzuela also argue that memoirs
written many years after the events they describe can be unreliable,
as they may contain errors or be influenced by the author's perspective
at the time of writing.
Pero ayon kay Floro Quibuyen,
Ok. Balik tayo sa Dapitan.
Kahit na pinatapon na ang bayani,
patuloy pa rin silang nag-uusap ng kaniyang matalik na kaibigan na si Blumentritt.
Sa isang liham, bilang marunong sa medisina itong si Rizal,
sinuggest ni Blumentritt na i-alok ng bayani ang sarili
at magsilbi bilang isang military doctor sa Cuba in exchange for ending his exile.
Anong meron sa Cuba?
During this time, 1895, ang Cuba ay isa ring colony ng Spain.
Dahil hindi naman maganda ang pamamahala ng mga Kastila,
at bad-trip na rin siguro 'yung mga Cubans,
e may nangyayari tuloy na isang rebolusyon sa bansa.
Since away ito, syempre, may mga magiging sugatan,
kaya kailangan ng Spanish government ng mga manggamot.
Actually, kailangan talaga nila ng mga marunong sa medisina
since kasabay nung rebolusyon e meron ding epidemya ng yellow fever sa lugar.
Ok, 1896.
Matapos ang ilang buwang paghihintay,
nakatanggap si Rizal ng liham mula sa Governor-General,
na noong time na ito ay si Ramon Blanco.
Sa liham, ipinaalam ni Blanco kay Rizal na...
okay na.
Tinanggap nila ang kaniyang alok.
Pwede siyang mag-serve as a military doctor.
Pagkatapos ng apat na taon, Rizal was no longer in exile.
Pero kagaya ng Cuba,
ang Pilipinas ay dumaranas din ng sarili nitong rebolusyon,
na pinangunahan ni Bonifacio at ng Katipunan.
Habang patungo si Rizal sa Cuba,
ang barkong sinasakyan niya ay nakatanggap ng telegrama
mula sa mga awtoridad na nag-uutos na siya ay arestuhin.
He was then immediately placed under heavy guard within his cabin,
inihatid sa isang prison fortress,
at pagkatapos ay idinala sa harap ng Military Commander of Barcelona,
which is si Eulogio Despujol.
Dito na pinaalam ni Despujol kay Rizal ang masamang balita.
Hindi na siya makakapunta ng Cuba at ibabalik siya ng mga awtoridad sa Maynila.
Ang rason nila?
Ang bayani daw kasi ay kasangkot sa nangyayaring rebolusyon.
Click on any text or timestamp to jump to that moment in the video
Share:
Most transcripts ready in under 5 seconds
One-Click Copy125+ LanguagesSearch ContentJump to Timestamps
Paste YouTube URL
Enter any YouTube video link to get the full transcript
Transcript Extraction Form
Most transcripts ready in under 5 seconds
Get Our Chrome Extension
Get transcripts instantly without leaving YouTube. Install our Chrome extension for one-click access to any video's transcript directly on the watch page.